[PDF.ePUB.MOBI] Mga Kaluluwa sa Kumunoy Pilipino Magasin Author Efren R. Abueg – serv3.3pub.co.uk

[PDF.ePUB.MOBI]  Mga Kaluluwa sa Kumunoy Pilipino Magasin Author Efren R. Abueg – serv3.3pub.co.uk [Reading] ➷ Mga Kaluluwa sa Kumunoy Pilipino Magasin By Efren R. Abueg – Serv3.3pub.co.uk Panahon bago ibaba ang batas militar Laganap ang unyonismo sa mga pabrika at kompanya ng negosyo Nagtatangka rin ang mga propesor sa pamantasan na magtayo ng mga unyon Umiinit ang tunggalian ng mga ma Panahon bago ibaba sa Kumunoy PDF ✓ ang batas militar Laganap ang unyonismo sa mga pabrika at kompanya ng negosyo Nagtatangka rin ang mga propesor sa pamantasan na magtayo ng mga unyon Umiinit ang tunggalian ng mga mapagmahal sa kalayaan at demokrasya at ng ilang sektor ng pamahalaan kasabwat ang mga tiwali't sakim na mga indibidwal Ito ang naratibo ng buhay ng mga kabataang aktibistang nakibaka para sa unyonismo sangkot ang kanilang personal na buhay Mga Kaluluwa eBook ↠ at mga adhikainAng nobelang ito'y kumakatawan sa isang yugto ng aktibismo ng kabataan na humantong sa mga akdang nagtataguyod sa nasyonalismo at internasyonalismo bilang tugon sa laganap na karalitaan pagmamarangya ng mga nasa poder at pagyurak sa mga karapatang pantaoSi Efren R Abueg ay isang mangangatha fictionist na sumulat ng maraming kuwento at nobela sa mga magasin at peryodiko Kabilang sa mga ito ang nobelang Dilim sa Umaga pinagkalooban ng unang gantimpala Kaluluwa sa Kumunoy Epub á sa patimpalak ng Liwayway noong at ang maikling kuwentong Kamatayan ni Tiyo Samuel nagtamo ng unang gantimpala sa Palanca noon ding taong Isa si Abueg sa mga awtor ng Mga Agos sa Disyerto Ilan sa kanyang mga aklat ang Isang Babae sa Panahon ng Pagbabangon at Sila NoonOral na Kasaysayan ng Siyam na Manunulat sa Tagalog Bilang writer in residence ngayon ng De La Salle DasmariƱas sa ilalim ng Cavite Studies Center ay nananaliksik at nagsusulat siya ng mga paksang tungkol sa Cavite.


2 thoughts on “Mga Kaluluwa sa Kumunoy Pilipino Magasin

  1. K.D. Absolutely K.D. Absolutely says:

    Sabi ng pamangkin kong si Poy ang nobela raw na ito ni Efren R Abueg na pinamagatang Mga Kaluluwa sa Kumunoy ay dating isang pulgada ang kapal lalo pa't una itong lumabas na serye ng Philippine Free Press Kaya para mas maging abot kamay ng mambabasang Pinoy ay inilabas ito ng UP Press na 67 pahina lamang Ito ang kanilang UP Jubilee Student EditionBuo pa rin naman ang kuwento Baka ginawang abridged pero andoon pa rin ang pinaka buod ng mga pangyayari Ang milieu ng kuwento ay ang panahon sa Maynila bago ilabas ang Batas Militar noong 1972 Ito ay tungkol sa isang guro lalaki na si Bayani na naging pinuno ng unyon ng mga guro sa isang unibersidad Nakainitan ito ng pamahalaan dahil sa mga akdang nagbubunyag ng mga katiwalian Ang kasintahan nitong si Marilou ang binalingan ng pamahalaan sa pamamagitan ng amo nitong abogado na si Atty Manuel Bondoc na kanang kamay ng isang senador Malungkot ang mood ng nobela mula sa unang pahina hanggang sa huli Parang hindi bagay basahin ng panahon ng Pasko Ngunit ang hindi ko naramdaman masyado ang ay mga nakasanayan ko ng mga matulaing prosa ni Abueg na nabasa ko sa mga maiikling kuwento niya tulad ng Kamatayan ni Tiyo Samuel Sa Bagong Paraiso at Dugo sa Ulo ni Corbo Siguro'y ito ang mga pinagtatapyas upang umikli ang kuwento sa edisyon na hawak ko at inalis din ang mga pauli't ulit na mga sinasabi na natural nang nakikita sa mga nobelang unang lumabas na isang seryeAng pinaka naibigan ko rito ay yong twist lalo na sa karakter ni Marilou Hindi ko akalain na dahil siya ay nasa kumunoy na ay nanaisin pa niyang lumubog Subalit kung iisipin nagawa niya ang ganoon para maiwasang pasakitan ang kanyang kasintahang si Bayani Makapangyarihan talaga ang pagibig ang kahit ang sariling kaligayahan ay kayang nating isakripisyo mailayo lamang ang ating mahal sa pagkapalungi at kalungkutanTaliwas din ito sa unang impresyon ko na ang mga akda ni Abueg ay pawang gumagalaw sa patriarkal na lipunan Litaw ang karakter ni Marilou rito at sa kanya umiinog ang kuwento dahil sa kanya ang punto de vista Sa backdrop ay mararamdaman mo ang gulo sa Maynila dahil sinasalamin ng kuwento ang mga kalagayang pulitikal at sosyologikal ng Batas Militar sa mga tauhan at pangyayaring nakapaloob sa nobela Malungkot lang ang katapusan at parang nagpapahayag ng kawalang pagasa ng sitwasyon sa bansa noong panahon ng rehimeng US Marcos noong dekada '70Ganoon pa man kapag ikaw ay tagahanga ni Efren R Abueg mainam pa ring basahin mo ito dahil sa kakaibang istilo nito sa ibang akda niya lalo na ang kanyang mga akdang kasama sa Mga Agos Sa Disyerto 4 stars at Sigwa Isang Antolohiya ng Maiikling Kuwento 3 stars


  2. Colleen Garcia Colleen Garcia says:

    Higit nang mabuting mawasak ka kasama ng isang panig kaysa mawasak ka ng walang pinapanigan Sa pagpanig mo lamang nagkakaroon ng kabuluhan ang kamatayanMay ilang araw na tinanong ko ang sarili ko ano ba talaga ang gusto kong gamiting 'main text' para sa isang klase ko sa Literatura ng Protesta at napagdesisyunan ko na itong nobela ni Abueg ang gamitin ko Mabilis ko natapos ang libro dahil madali lamang sundan ang istorya ni Bayani at Marilou Masakit nga lang isipin yung klase ng realidad na hinarap ng mga Pilipinong aktibista noon bago ibaba ang batas militar Malaki ang pangarap ni Bayani para sa bayan isa siyang magaling na lider pinapakinggan hinahangaan at pinapalakpakan ngunit sa kabila ng kanyang lakas at katapangan di mo mapagkakaila na kahit gaano kalakas ang tao siya'y tao pa rin nasusugatan at napanghihinaan ng loobNoong nawala sa kanya si Marilou tila nawala na rin ang sarili niya ang mga pangarap niya para sa bayan Si Marilou Si Marilou At si Marilou nanaman si Marilou na pinagbuntungan ng galit ng mga kaaway niya ang nasa isip niya Makikita mo ang malaking kontrast ni Marilou na kumapit sa patalim at si Bayani na patuloy na nagpapakabayani kahit na nagkaroon ng panahon sa buhay niya na handa niyang isuko ang lahat para sa sarili niyang interes May mga panahon talaga na ayaw na niya mabuhay pero dahil sa tulong ni Marilou nakuha niya ulit ang buhay aktibista na muntik na mawala sa kanyaSa huli nga lang mukhang ibinigay ni Marilou ang buhay niya kay Bayani dahil siya naman ang nawalanSa labas akala mo ang aktibista ay aktibista lamang pero pinakita ng librong ito kung paano maging aktibistang inuusig noong batas militar ng mga taong nasa itaas mga buwaya na nagpapakasasa sa yaman Maraming sinasakripisyo ang aktibista isa na rito ang kanilang mga sarili at kanilang kaligtasanMinsan naitatanong ng mga tao ano bang pinaglalaban ng mga tibak na to? Marami Sinasabi ko na sa iyo marami


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *